Biyaheng Langit Lyrics
Biyaheng langit, pare ko, ang pasada ko
Pamasahe ay libre, magkasama lang tayo
Pakisama lang, pare, sa kapwa tao mo
Mahalin mo ang iba tulad ng sarili mo
Biyaheng langit, pare ko
Umangkas na lahat kayo
Makasalanan din akong sakay sa biyaheng ito
Pero sa awa N′ya'y aabot din tayo
Itaga mo sa bato ang sasabihin ko
Nasa isip mo′t puso ang iyong pagbabago
Kay tagal kong naghanap ng Diyos sa 'king mundo
S'ya pala′y naghihintay lamang sa puso ko
Biyaheng langit, pare ko
Umangkas na lahat kayo
Makasalanan din akong sakay sa biyaheng ito
Pero sa awa N′ya'y aabot din tayo
Ipaubaya mo na lang sa Diyos ang buhay mo
Magmahal ka nang lubos at babalik sa ′yo
S'ya′ng bahala sabi Niya at maniwala ka
'Pag ang bahala ay ang Diyos, lahat, pare, ay ayos
Biyaheng langit, pare ko
Umangkas na lahat kayo
Makasalanan din akong sakay sa biyaheng ito
Pero sa awa N′ya'y aabot din tayo (aabot din)
Makasalanan din akong sakay sa biyaheng ito
Pero sa awa N'ya′y aabot din tayo (biyaheng langit)
Aabot din (biyaheng langit), aabot din tayo (biyaheng langit)
Aabot din (biyaheng langit), aabot din tayo (biyaheng langit)
Aabot din (biyaheng langit), aabot din tayo (biyaheng langit)
Aabot din (biyaheng langit), aabot din tayo (biyaheng langit)
Writer(s): Ysagani Ybarra<br>Lyrics powered by www.musixmatch.com
More from Aabot Din Tayo
Loading
You Might Like
Loading
4m 24s · English