Halik

Halik Lyrics

Halik  by Gloc-9

Song  ·  4:02  ·  Tagalog

℗ 2020 Aristotle Pollisco

Halik Lyrics

Hoy teka muna, teka lang (ano ′yon?)
Kahit na medyo natagalan (okay lang)
Gusto ko lamang ipaalam na ang awiting itoy para lang (kanino?)
Sa ilang babaeng nilalang (ha?)

Kung hindi ko kayang ibigay ang mga gusto mo (oo nga)
Tutuparin mo pa kaya ang mga pangako mo? (Paano nga?)
Kung hindi ko kayang ibigay ang mga gusto mo ('wag naman)
Tutuparin mo kaya? Tutuparin mo kaya?

Lumang lonta, polo, talo
Laging tambay sa may kanto
Walang mahanap na trabaho
Kung ako ang lahat ng ito
Tatanggapin mo ba ako?

Sige nga halika, mayro′n bang nakita?
Kahit na mali pa, mamahalin mo ba?
Ano ang balita? Medyo walang kita
Kulang sa salida, mamahalin mo ba?
Sige nga, halika, mayro'n bang nakita?
Kahit na mali pa, mamahalin mo ba?
Ano ang balita? Medyo walang kita
Kulang sa salida, mamahalin mo ba?

Bagong bahay, lote, kotse (pwedeng-pwede)
Tumotoma bote-bote (doble-doble)
Mga diyamante sa daliri
Kung wala ang lahat ng ito (teka lang)
Tatanggapin mo ba?

Kung hindi kita masasakay sa oto
Maglalakad lang o lululan sa kabayo
'Pag ang ulam natin ay palaging toyo
Bentilador na hindi pwedeng itodo
Kung hindi kita masasakay sa oto
Maglalakad lang o lululan sa kabayo
′Pag ang ulam natin ay palaging toyo
Bentilador na hindi pwedeng itodo

May katanungan lang akong kinimkim
Mamahalin mo pa rin ba ako kahit ′di na ako bituin?
Kapag hindi ko na rin mabigay lahat ng hilingin
Ikaw ba ay nandito pa rin? O baka kasabay ka nila, mawala ka na rin
Baka sa una ka lang magaling, sa bandang huli, baliwalain mo rin
'Pag lahat ng mga gusto mo ′di ko na kayang bilhin
Kaya sagutin mo ako't tapatin kung sasaluhin mo pa rin
Kung wala ako ng mga kailangan mo, pa′no mo mamahalin?

Pa'no kung hindi ka kayang itira sa condo?
Walang magandang bahay at wala ring oto
Ubos na at kapos sa pondo
Pa′no na kaya kung ganito ako?

Malamang ay hindi na mapansin ang aking halaga, 'di na makita
Kasabay naman ng pagmamahal mo na parang natulog na mantika
Nakakapanghina kasi ang pake mo'y tila palusaw na na kandila
Nawalan na rin ng bisa ang nararamdaman kasi ′di na kumikita

Paano kung hindi kasing todo ni Piolo
At ang mga auto-tune ay wala na sa tono
Pa′no kung 'di na tumitili sa amin
Magbabago ba kaya′ng ihip ng hangin?

Kung hindi ko kayang ibigay ang mga gusto mo (kung hindi ko kayang ibigay)
Tutuparin mo pa kaya ang mga pangako mo? (Tawid ba sa tulay?)
Kung hindi ko kayang ibigay ang mga gusto mo ('pag hindi makasabay)
Tutuparin mo kaya? Tutuparin mo kaya?
Kung hindi ko kayang ibigay ang mga gusto mo (kung hindi ko kayang ibigay)
Tutuparin mo pa kaya ang mga pangako mo? (Tatawid ba sa tulay?)
Kung hindi ko kayang ibigay ang mga gusto mo (′pag hindi makasabay)
Tutuparin mo kaya? Tutuparin mo kaya?

Ayan kasi, ano?
Hanapin mo kung sino yung totoo
At kung sinong gustong maging tama
Maging tama para sa 'yo
Let′s go, ah-huh
Let's go, ah-huh, ah-huh, ah-huh
Let's go, ah-huh
Flow G at si Gloc-9

Writer(s): Gloc-9<br>Lyrics powered by www.musixmatch.com


More from Halik

Loading

You Might Like

Loading


4m 2s  ·  Tagalog

℗ 2020 Aristotle Pollisco

FAQs for Halik