May Minamahal

May Minamahal Lyrics

18 Greatest Hits Hajji Alejandro  by Hajji Alejandro

Song  ·  4:21  ·  English

℗ 2009 Vicor Music Corporation

May Minamahal Lyrics

May minamahal bawat taong may damdamin
May minamahal tulad mo at tulad ko
Nakadama sa isa′t isa ng pag-ibig
At ngayo'y nagmamahalan nang tapat

′Pag nagmamahal, bawat sandaling kasiping kay anong bilis
Bawat oras ay mayro'ng kasaysayang anong sarap
Anong tamis (anong tamis)
Maligaya nga ang taong nagmamahal

Kaya't ako′y napaligaya
Ng tunay mong pagmamahal
Ang lahat ng kagandahan ay nasa ′yo
Ningning ng mata, lambot ng labi
At ugaling walang kapintasan
Nababalot ng alindog katawang tunay

'Pag minamahal, kulay rosas ang paligid ko sa tuwi-tuwina
Nakayapak sa ulap, buong mundo′y nagagalak
Na mayroong (na mayroong)
Nagtatalik na dal'wang pusong nagmamahal

Kaya′t tayo'y magpasalamat
Sa ating kapalaran
Nasa atin ang kaganapang hinahanap
Ng bawat nilalang na may puso rin
Dahil tayo′y hindi magbabago hangga't may buhay

May minamahal bawat taong may damdamin
May minamahal tulad mo at tulad ko
Nakadama sa isa't isa ng pag-ibig

Kaya′t habang may pag-asa kayo
Humanap ng pag-ibig na totoo
Saka lang liligaya (saka lang liligaya)
Kung mayro′n nang tunay na minamahal

May minamahal bawat taong may damdamin
May minamahal tulad mo at tulad ko
Nakadama sa isa't isa ng pag-ibig

Kaya′t habang may pag-asa kayo
Humanap ng pag-ibig na totoo
Saka lang liligaya (saka lang liligaya)
Kung mayro'n nang tunay na minamahal

Kung tunay na minamahal

Writer(s): Willy, Cruz<br>Lyrics powered by www.musixmatch.com


More from 18 Greatest Hits Hajji Alejandro

Loading

You Might Like

Loading


4m 21s  ·  English

℗ 2009 Vicor Music Corporation

FAQs for May Minamahal