Noong Unang Panahon

Noong Unang Panahon Lyrics

Pilita Filipino Favorites Vol. 2  by Pilita Corrales

Song  ·  2:56  ·  Tagalog

© 1985 Ivory Music & Video, Inc.

Noong Unang Panahon Lyrics

Noong Unang Panahon ang langit at lupa′y
Magkaratig halos laganap ang tuwa
Kapag sa banga ni butil ay wala
Ang gubat at ilog may handang biyaya

Noong Unang Panahon ang sikat ng araw
Ay nagpapalago sa bawat halaman
Bakit kaya ngayon kay init ng darang
Ilog tinutuyo parang tinitigang

Noong Unang Panahon ang patak ng ulan
Pinasasariwa dahong naninilaw
Ngayo'y nagngangalit may hanging kasabay
May bahang kasunod na nakamamatay

Noong Unang Panahon ang puso ng tao′y
Marunong magmahal hindi nanloloko
Sa hapis ng iba'y laang makisalo
Lalong pumayapa at hindi magulo

Pati ang langit na dati'y kay baba
Ay nagpakalayo sa ulilang lupa
Baka lang gumising tuyuin ang lupa
Ng nananawagan at nagpapaawa

Noong Unang Panahon ang langit at lupa′y
Magkaratig halos laganap ang tuwa
Bathala gumising tuyuin ang lupa
Ng nananawagan at nagpapaawa
Noong Unang Panahon
Noong Unang Panahon
Noong Unang Panahon

Writer(s): Bienvenido Lumbrera, Nonong Padero<br>Lyrics powered by www.musixmatch.com


More from Pilita Filipino Favorites Vol. 2

Loading

You Might Like

Loading


2m 56s  ·  Tagalog

© 1985 Ivory Music & Video, Inc.

FAQs for Noong Unang Panahon