Noong Unang Panahon

Noong Unang Panahon Lyrics

Sce: ako ay pilipino vol.1  by Kuh Ledesma

Song  ·  3:18  ·  English

© 2008 VICOR

Noong Unang Panahon Lyrics

No′ng unang panahon, ang langit at lupa'y
Magkaratig halos laganap ang tuwa
Kapag sa banga ni butil ay wala
Ang gubat at ilog may handang biyaya

No′ng unang panahon, ang sikat ng araw
Ay nagpapalago sa bawat halaman
Bakit kaya ngayon kay init ng darang
Ilog tinutuyo, parang tinitigang

No'ng unang panahon, ang patak ng ulan
Pinasasariwa, dahong naninilaw
Ngayo'y nagngangalit, may hanging kasabay
May bahang kasunod na nakamamatay

No′ng unang panahon, ang puso ng tao′y
Marunong magmahal, hindi nanloloko
Sa hapis ng iba'y laang makisalo
Lalong pumayapa at hindi magulo

Pati na ang langit na dati′y kay baba
Ay nagpakalayo sa ulilang lupa
Bathala gumising, tuyuin ang luha
Ng nananawagan at nagpapaawa

No'ng unang panahon, ang langit at lupa′y
Magkaratig halos laganap ang tuwa
Bathala gumising, tuyuin ang luha
Ng nananawagan at nagpapaawa

No'ng unang panahon
No′ng unang panahon
No'ng unang panahon

Writer(s): Nonong Pedero-bien Lumbera<br>Lyrics powered by www.musixmatch.com


More from Sce: ako ay pilipino vol.1

Loading

You Might Like

Loading


3m 18s  ·  English

© 2008 VICOR

FAQs for Noong Unang Panahon