Pagtingin

Pagtingin Lyrics

Pagtingin  by Akira

Song  ·  3:59  ·  Tagalog

© 2021 Enterphil Entertainment Corporation

Pagtingin Lyrics

Ngunit habang tumatagal damdamin ko′y nag-iiba
"PAGTINGIN" ko sa'yo′y lalong lumalalim na
Ngunit habang tumatagal damdamin ko'y nag-iiba
Sa tingin mo kaya'y ako′y nahuhulog na

′Di ko alam kung paano lalampasan
'Yung unang araw ng struggle ko sa paaralan
Sa dinami-dami ng nakapila ba′t ikaw pa ang nauna
Nasa likod moko non di mo pansin di mokilala
Kailangan mo ba ng ballpen o kahit pa maging ruler
Kahit na anong kailangan mo palitan mo lang ng number mo
Parang sa langit na umabot ang ligaya
'Di mapigil ang sariling kausapin kung maari na
Wag ng matapos ang maghapon hindi ako aabsent
At kahit pa anong mangyayari
Maghihintay ako sa gate
Promise hindi ako maiinip habang hawak ang tsokolate
Sa kanang kamay ko ay vape
Feeling cool kasi nandyan ka na palabas
Ang mga ngiti sa labi ′di maalis at sa wakas
Ng tumingin ka na sa'kin bigla ko nagising
Iba pala ang sundo mo ouch nakakapraning

Ngunit habang tumatagal damdamin ko′y nag-iiba
"PAGTINGIN" ko sa'yo'y lalong lumalalim na
Ngunit habang tumatagal damdamin ko′y nag-iiba
Sa tingin mo kaya′y ako'y nahuhulog na

Sa tuwing dumaraan ′di mapalagay
Nakatutok ang mata pero takot na mag hi
Kinakabahan ako palagi na tawagin ni prof
Baka ipadiscuss sa'kin yun buong topic sa book
Kasi ′yung assignment ko diko masyadong nagawa
Sa kakasulat ng kanta isang subject ang nawala
Pero laking gulat ko isang araw ay tumabi
At nagtanong ka sa'kin tol anong oras ka uuwi?
Pwede bang sumabay?
At ang sagot ko′y ngiti
Pero ang dibdib ko kumakalampag, nagbubunyi
Kasi naman parang tumama nako-sa loto
Ng hindi tumataya atensyon mo nakuha ko
Sa canteen madalas sabay pang kumakain
Ng manok na tag lima minsan kapos ang kanin
Basta mahalaga kahit ano pa ang mangyari
Kahit na wala pang label sa'kin di na sa'kin importante

Ngunit habang tumatagal damdamin ko′y nag-iiba
"PAGTINGIN" ko sa′yo'y lalong lumalalim na
Ngunit habang tumatagal damdamin ko′y nag-iiba
Sa tingin mo kaya'y ako′y nahuhulog na

Iba na itong nararamdaman
Parang gusto tuloy ikaw ay pakasalan
At di na pakawalan, mukha ay kakapalan
Itataya ang mundo ko kahit na sapalaran
Ang buhay ikaw ang nagbigay ng kulay
Lahat ay gagawin makita mo lamang na tunay
Ang pag-ibig ko kung ibig mo lahat ay nanaisin
Satitig mo umibig 'to ng ′di ko akalain
Alanganin mang aminin sa iyo itong damdamin
Balakin mang duduktin para ika'y mapasakin
'Di ko sukat akalain sa′yo ay mahuhulog
Pagmulat ko sa isip kahit ′di pa nagmumog
Maging sa aking pagtulog ikaw ang panaginip
Kahit saan pa mapunta ikaw ang pinilit
Pinipili nitong puso na alayan ng pag-ibig
Sa'yo lang umiikot itong aking daigdig

Ngunit habang tumatagal damdamin ko′y nag-iiba
"PAGTINGIN" ko sa'yo′y lalong lumalalim na
Ngunit habang tumatagal damdamin ko'y nag-iiba
Sa tingin mo kaya′y ako'y nahuhulog na

Ngunit habang tumatagal damdamin ko'y nag-iiba
"PAGTINGIN" ko sa′yo′y lalong lumalalim na
Ngunit habang tumatagal damdamin ko'y nag-iiba
Sa tingin mo kaya′y ako'y nahuhulog na

Writer(s): Elexe Melomeda Caluna, Josua Ortigas, Sonny Lucion<br>Lyrics powered by www.musixmatch.com


More from Pagtingin

Loading

You Might Like

Loading


FAQs for Pagtingin