Venus

Venus Lyrics

Wala Pang Titulo  by Ron Henley ft. Yumi

Song  ·  5:24  ·  English

℗ 2013 MCA Music, Inc.

Venus Lyrics

Nasa isang gilid, tahimik lang
Palihim lang kitang tinitignan
′Di mo lang alam kung gaano kaganda ang
Tanawin mula sa aking kinatatayuan
Ngiti na 'singtamis ng pulot
Mga tingin mo na nagdudulot
Ng isang matinding tagtuyot
Minsan naiisip ko kung pwede lang sumilip
O sumingit sa isang magandang panaginip mo

Napatingin bigla sa malayo
Nakita ka sakay ng isang puting kabayo
Magkita na lang tayo do′n sa kabilang ibayo
Hihintayin kita, sabihin man nilang malabo

Para kang prinsesa kung ituring
Sa lalim ng ating pagtitinginan, sana 'wag mo kong lunurin
Gusto lang naman kitang yakapin
Kahit limang kilometro ang layo mo sa akin

Kahit na anong sabihin ng iba
Mahal pa rin kita, mahal pa rin kita sinta
Basta kahit na ano pa ang gawin nila
Mahal pa rin kita, mahal pa rin kita sinta

Nabighani sa nag-iisang bituwin sa kalawakan
Nais ko sanang abutin at mahawakan
Sungkitin kaso nga lang ang higpit ng pagkatali
Pag nagbuhol, naku, yari ako sa mahal na hari
Ikaw ang araw sa buwan, sa tuwing gabing wala ka
Walang liwanag sa 'king daan
Pakiramdam ko palagi ay parang nasa ulap
′Pag magdamag tayong magkausap

Pwede patabi? Ang lamig kasi
Painitin natin ang gabi parang bagong timplang kape
Kahit pa gaano kadaming babaeng
Ipakilala sa′kin, ikaw pa rin ang aking hahanapin
Dahil ang puso mo ay mamahalin
Dapat na ingatan at hindi dapat basagin

Gusto lang naman kitang yakapin
Kahit limang kilometro ang layo mo sa akin

Kahit na anong sabihin ng iba
Mahal pa rin kita, mahal pa rin kita sinta
Bastat kahit na ano pa ang gawin nila
Mahal pa rin kita, mahal pa rin kita sinta

Sana may sumalo kapag nahulog ako
Sana 'wag mabagok ang ulo ko sa bato
Ngunit nangyari na, nagising sa katotohanan
Ayoko na ng laro gusto ko na ng totohanan

Kung kumpyansa ang usapan, ako′y mamumulubi
Sa tuwing titingnan kita, lagi mong nahuhuli
Nais lang naman kitang yakapin
Kahit limang kilometro ang layo mo sa akin

Kahit na anong sabihin ng iba
Mahal pa rin kita, mahal pa rin kita sinta
Basta kahit na ano pa ang gawin nila
Mahal pa rin kita, mahal pa rin kita sinta

Kung iguguhit ko lang ang pag-ibig namin
Ito ay parang dahon na nilipad ng hangin
At napadpad sa isang daanan
Hanggang sa matapakan
Ng dalawang naghahabulang magkasintahan

Writer(s): Ron Joseph A. Henley, Julius James De Belen<br>Lyrics powered by www.musixmatch.com


More from Wala Pang Titulo

Loading

You Might Like

Loading


5m 24s  ·  English

℗ 2013 MCA Music, Inc.

FAQs for Venus